Hot Lines 2
Mga makukulit na one-liners, heto na mainit-init pa…..
—-
Sa isang gay beauty contest.
Host: So what can you say about Mother Nature?
Candidate: Hindi po Nature ang pangalan ng nanay ko, Bening po, Aling Bening
—-
Sa isang conversation with a friend.
Ako: Bagay sa ‘yo yung “Goth” na look
Kausap: Ganon? Kambing?
—-
Sa isang Call Center, hindi kasi pwede sabihin sa client ang location ng isang agent kaya ganito ang naging usapan nila.
Client: Where are you from? You jerk!
Agent: Sorry sir but we’re not allowed to relocate.
—-
Eto mas matindi…
Client: F*ck! where do come from!?
Agent: I’m really very sorry sir but we’re not allowed to dislocate.
—-
Sa isang interview sa isang fan ni Rico Yan noong undas, ganito ang kanyang mensahe
Fan: Basta, masasabi ko lang Rico Yan is you’re not alone.
—-
Isang payo ng Tita ko sa Tatay kong Diabetic nuong nabubuhay pa ang huli
Tita: Alam mo mabuti daw sa mga diabetic ang breast walking….
—–
Isang friend ng friend kong si Rowel ang nagkaroon ng celphone, hindi pa masyadong gamay ang paggamit at magkapareho pa ang tunog ng message tone sa ring tone, kaya nung tumunog ang telepono ng hitad ganito ang hirit niya.
Girl: (Itinapat ang cell sa tenga) Hello, text ba ito?
—-
Pasintabi po dito sa isang to. Alam niyo yung huling part ng isang prayer yung nagsasabing “Ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.” My pal Phillip (when he was a kid) thought that that last line goes like this…
“Ngayon na po kami mamamatay. Amen. “
Pasintabi po uli.
—-
Isang text message ng kaibigan…
“Ang saranggola pag lumipad, talagang lalayo sa’yo. Matayog. Mataas. Minsan hindi na saklaw ng paningin natin kung nasaan na siya. Pero tingnan mo ang pisi sa kamay mo, at malalaman mong lagi siyang kasama mo.”